^

Metro

Negosyante, niratrat ng 4 armado

-
Pinaniniwalaang may kinalaman sa negosyo ang dahilan ng brutal na kamatayan ng isang 53-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ito ng apat na armadong kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nasawi noon din ang biktima na si Rolando Cruz, residente ng Purok 6, Pasong Makipot, Brgy. Putatan ng naturang lungsod dahil sa tinamo nitong maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Samantala, naglalakad lamang na tumakas ang mga suspect na kasalukuyan na ngayong pinaghahanap ng mga awtoridad.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa harapan mismo ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na kasalukuyang nakatayo ang biktima nang biglang pinagbabaril ito ng mga suspect.

Malaki naman ang paniniwala ng pulisya na posibleng may kinalaman sa awayan sa negosyo ang dahilan ng pamamaslang sa biktima. (Lordetrh Bonilla)

vuukle comment

BRGY

LORDETRH BONILLA

MALAKI

MUNTINLUPA CITY

NAPAG

NASAWI

PASONG MAKIPOT

PINANINIWALAANG

PUROK

ROLANDO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with