^

Metro

Sasakyan ni Katya Santos gamit sa pagtutulak ng Ecstasy

-
Lumutang ang aktres na si Katya Santos sa tanggapan ng Anti Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF) upang lakarin ang pagre-release ng kanyang sasakyan na ginamit ng boyfriend ng kanyang kaibigan sa pagtutulak ng Ecstasy na naaresto sa isinagawang buy-bust operation noong Huwebes ng gabi sa San Juan.

Si Katya , Katrina Santos sa tunay na buhay, 24, ay nagtungo sa Camp Crame kasama ang ilang miyembro ng Viva Hot Babes upang iprisinta ang Original Receipt at Certificate of Registration ng kanyang kulay gray na Ford Everest na may plakang XDF-451 na ginamit ng suspect na si Patrick John Adajar, 24, sa pagtutulak ng Ecstasy. Nasamsam sa suspect ang may 79 na tableta ng nabanggit na ilegal na droga.

Nilinaw din ni Santos na wala siyang kinalaman sa ilegal na aktibidades ni Adajar at sinabing kaya lang niya ito nakilala ay dahil sa boyfriend ito ng isa niyang kasamahan sa Hot Babes.

Ayon kay Supt. Arnold Aguilar naaresto si Adajar sa harap ng isang Chinese restaurant sa kahabaan ng N. Domingo St. sa nasabing bayan dakong alas-10 ng gabi.

Sinasabing si Adajar ay anak ng isang police colonel. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ADAJAR

ARNOLD AGUILAR

CAMP CRAME

CERTIFICATE OF REGISTRATION

DOMINGO ST.

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

EDWIN BALASA

FORD EVEREST

HOT BABES

KATRINA SANTOS

KATYA SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with