^

Metro

12 holdaper sa university belt timbog

-
Umaabot sa 12 mga kilabot na holdaper at snatcher na nambibiktima sa mga estudyante sa paligid ng university belt ang nasakote ng Western Police District (WPD) bilang resulta umano ng mahigpit na seguridad na ipinatupad sa pagsisimula ng pasukan ng klase.

Iprinisinta kahapon sa mga mamamahayag ang mga natiklong mga masasamang-loob na nadakip ng WPD-Station 4 sa may Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Orlan Ventura, Edwin Cruz, Juby Noblado, Jonathan Barroga, Christopher Arce, Ryan Areglado, Efrain Quinlet, Antonio Eric, Anthony Baltazar, Joven Cruz, Alfredo Engson at Joel Reyes.

Nabatid na karamihan sa mga nadakip ay mga miyembro ng "Agaw Cellphone Gang" kung saan narekober sa mga ito ang iba’t ibang uri ng cellphone, mga alahas, cash at iba pang electronic gadgets.

Sinabi ni Supt. Bernardo Diaz, hepe ng WPD-Station 4, na ang pagkakadakip sa mga suspect ang resulta ng mahigpit nilang pagbabantay sa mga unibersidad na nasasakupan ng kanilang lugar tulad ng University of Santo Tomas, Far Eastern University, University of the East, University of Manila at iba pa.

Sa kabila nito, sinabi ni Diaz na patuloy pa rin ang paghihigpit nila sa pagbabantay sa mga kalsada dahil sa patuloy pa rin ang pambibiktima ng iba pang mga holdaper at snatcher na mistulang hindi maubos sa lungsod. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AGAW CELLPHONE GANG

ALFREDO ENGSON

ANTHONY BALTAZAR

ANTONIO ERIC

BERNARDO DIAZ

CHRISTOPHER ARCE

DANILO GARCIA

EDWIN CRUZ

EFRAIN QUINLET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with