^

Metro

'Pajero Lady' magpaparetoke uli

-
Malaki ang posibilidad na muling sumailalim sa plastic surgery si Marilou de Guzman, alyas Pajero Lady upang tuluyang matakasan ang mga awtoridad na naghahanap sa kanya.

Ito naman ang isa sa mga bagay na kinokonsidera ngayon ng Central Police District (CPD)-Criminal Investigation Unit kaugnay ng kanilang manhunt operation laban kay de Guzman na kilala rin sa tawag na Josephine Garcia.

Ayon kay CPD-CIU chief Supt. Popoy Lipana, maaari pa ring magpabago ng anyo o mukha si Pajero Lady upang hindi madakip ng pulisya matapos na misteryo itong makatakas sa kanyang mga prison guard sa isang pagamutan ng Quezon City noong nakalipas na Hunyo 13 ng gabi. Agad namang sinibak ang dalawa nitong guwardiya na sina Prison Guard Benedicto Ortega at Allan Listana.

Aniya, dito ay posibleng muling gamitin ni Pajero Lady ang kanyang salapi upang makapagpa-plastic surgery.

Subalit sinabi ni Lipana na nakaalarma na sa iba’t ibang ahensiya ang pagkatakas nito kaya mahihirapan na itong makalabas ng bansa.

Matatandaan na patung-patong na kasong estafa at theft ang kinakaharap ni Pajero Lady matapos na mabiktima ang ilang opisyal ng AFP. Pinapasok din nito ang bahay ng mga mayayaman at saka pagnanakawan. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALLAN LISTANA

CENTRAL POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

GUZMAN

JOSEPHINE GARCIA

PAJERO LADY

POPOY LIPANA

PRISON GUARD BENEDICTO ORTEGA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with