^

Metro

Taxi driver tigok sa holdap

-
Isang taxi driver ang namatay makaraang manlaban at pagsasaksakin ng mga hindi pa nakikilalang holdaper kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Rodolfo Mijares, 40, ng Blk.34, Lot 4, San Jose, Rodriguez, Rizal matapos na magtamo ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa inisyal na ulat ni SPO1 Fedencio Basibas, ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), dakong alas- 12:55 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima malapit sa AMLAC Subdivision, Brgy. Payatas A, Q.C.

Ayon kay Nilo Guerrero, security guard ng subdivision, napansin niya na matagal nang nakaparada ang taxi ng biktima kung kaya’t ito ay kanyang pinuntahan.Subalit laking gulat niya nang makitang tumutulo ang dugo ni Mijares habang nakayuko.

Agad na humingi ng tulong si Guerrero sa kanyang kasamahan at sa pulisya.

Batay sa pulisya, posibleng hinoldap ang biktima kung saan ito ay nanlaban hanggang sa pagsasaksakin ng mga holdaper. Nabatid na nawawala ang pera, wallet at ilang gamit sa taxi ng biktima. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BATAY

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

FEDENCIO BASIBAS

NILO GUERRERO

PAYATAS A

QUEZON CITY

RODOLFO MIJARES

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with