^

Metro

Mag-amang karnaper timbog

-
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang mag-amang karnaper makaraang mahuli sa isang chokepoint kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ni CPD-La Loma Station chief Supt. Alfred Corpuz ang mga suspect na sina Godofredo Ochengco, Jr,. 58 at anak nitong si Joselito, 20 kapwa ng Gatbuca, Calumpit, Bulacan matapos na ireklamo ng biktimang si Lady Vhee de Leon, 25, ng 1511 Alcantara St. Sampaloc, Maynila.

Lumilitaw na ibinebenta ng biktima ang kanyang Nissan Exalta na may plakang WRS-945 noong Mayo 16 sa suspect na si Godofredo na unang nagpakilalang si Randy Untalan sa Tower Bldg. sa Roxas Blvd.

Sinabi umano ni Godofredo na ite-test drive muna niya ang sasakyan kung kaya’t pumayag naman ang biktima. Subalit agad itong pinaharurot ng suspect.

Dahil dito agad na inireport ng biktima ang insidente kaya’t pinaalarma niya sa PNP-TMG ang bawat istasyon upang mabawi ang kotse.

Naispatan naman ng mga pulis na nagsasagawa ng chokepoint sa A. Bonifacio Ave. ang mga suspect dakong alas 6:10 ng umaga. Hinabol ito ng mga pulis at nakorner sa Mauban St. Brgy. San Jose, ng nasabing lungsod. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALCANTARA ST. SAMPALOC

ALFRED CORPUZ

BONIFACIO AVE

DORIS FRANCHE

GODOFREDO

GODOFREDO OCHENGCO

LA LOMA STATION

LADY VHEE

MAUBAN ST. BRGY

NISSAN EXALTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with