Illegal recruiter timbog
July 12, 2004 | 12:00am
Isang illegal recruiter na matagal ng pinaghahanap ang kasalukuyang nakakulong sa Central Police District-Baler Station matapos itong makita ng dalawa sa kanyang mga complainant sa loob ng department store sa Quezon City.
Kinilala ni CPD-Baler Station chief Supt. Jose Mario Espino ang suspect na si Roger Renido y Quintog, 41, tubong Zamboanga del Norte at naninirahan sa 10-F Santos St. San Juan, M.M.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-4 kamakalawa ng hapon nang makita ng mga complainant na sina Erlinda Gutierrez at Shirley Marie Villarica sa SM North Edsa ang suspect.
Kinompronta nila ito hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at makakuha ng pansin ng mga security guards ng nasabing establisimyento.
Umaabot na sa 22 ang nagsampa ng kaso laban kay Renido.
Nabatid sa mga ito na hiningan sila na Renido ng halagang P200,000 bawat isa kapalit ng pangakong pagtatrabahuhin sa Paris, London, Greece , Italy at iba pang lugar sa Europe.
Subalit dahil sa tagal ng proseso, ipinasya na lamang ng mga complainant kay Renido na ibalik ang kanilang pera na hindi naman sinunod ng huli hanggang sa tuluyan na itong mawala.
Ngunit natimbog din ito ng dalawa sa kanyang niloko sa hindi inaasahang pagkakataon sa loob ng department store. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended