^

Metro

Showbiz writer kinatay ng lover

-
Isang freelance showbiz writer ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng umano’y kanyang lover kung saan tinangka pa itong sunugin sa loob ng kanyang townhouse unit, kahapon ng madaling-araw sa Barangay Valencia, Cubao, Quezon City.

Kasabay nito, nagpalabas naman ng manhunt operation ang pulisya laban sa hindi pa nakikilalang suspect.

Ayon sa pahayag ng pulisya, limang saksak sa katawan ang tinamo ng biktimang si Ellie Formaran, 50, na mas kilala sa tawag na "Mama Elay" at staff ng broadcaster na si Korina Sanchez ng ABS-CBN Channel 2 at naninirahan sa Unit 4 ng Villas La Golondina Townhouse na nasa #11 Castillo St. corner Gilmore Brgy. Valencia ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ni Supt. Popoy Lipana, hepe ng CPD-Criminal Investigation Unit, dakong alas-5:45 ng madaling-araw nang makitang nakahandusay sa loob ng banyo sa kanyang silid na nasa ikatlong palapag ng naturang townhouse unit ang biktima.

Ayon sa salaysay ni Froilan Moreto, driver ng biktima, nagising na lamang siya dahil sa usok na nanggagaling sa kuwarto ng biktima. Tinawag niya ang isa pang kasambahay upang puwersahing buksan ang kuwarto nito.

Nang mabuksan ang silid ay makapal na usok ang bumulaga sa kanila. Tinangka umano ni Moreto na kapain sa kama ang biktima subalit wala ito roon.

Narinig niya ang pagtagas ng tubig sa banyo kung kaya’t tinungo niya ang lugar at nakita ang nakandusay na si Formaran.

Napag-alaman na sa bahay ng biktima nagpalipas ng magdamag ang suspect. Dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang gisingin ng suspect ang caretaker na si Rey para buksan ang pintuan sa baba dahil uuwi na siya. Ilang minuto lamang ang nakakalipas sa pag-alis ng suspect ay nakita na ang nakahandusay na biktima.

Malaki ang hinala ng pulisya na maaaring may hinihingi ang suspect sa biktima at hindi ito pinagbigyan hanggang sa magtalo at pagsasaksakin ng una ang huli.

Tinangka pang sunugin ng suspect ang bangkay ng biktima upang pagtakpan ang krimen. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BARANGAY VALENCIA

BIKTIMA

CASTILLO ST.

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

ELLIE FORMARAN

FROILAN MORETO

GILMORE BRGY

KORINA SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with