^

Metro

PNP inalerto ngayong Semana Santa

- Edwin Balasa, Grace dela Cruz -
Sinimulan na kahapon nang isailalim sa ‘heightened alert’ ni PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane Jr. ang may 120,000 puwersa ng pulisya kaugnay sa paggunita ng Semana Santa kasabay ng panahon ng mga pagbabakasyon.

Ang hakbang ay isinagawa sa gitna na rin ng umano’y planong pambobomba ng mga teroristang grupo sa mga urban centers partikular na sa mga matataong lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila na sentro ng komersiyalismo.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Joel Goltiao na ang "Oplan Bantay-Lakbay" ay bahagi ng nationwide security plan na naglalayong pangalagaan ang kaligtasan ng mga motorista at bakasyunista sa pagbibiyahe ng mga ito.

Nakapaloob sa "Oplan Bantay-Lakbay" ay kapapalooban rin ng paglalagay ng mga Police Assistance Centers sa mga national highways partikular na sa Maharlika Highway mula sa North at South Luzon, gayundin ang Strong Republic Nautical Highway sa Visayas at Mindanao at iba pang mga pangunahing daanan. Titiyakin naman ng Traffic Management Group ang seguridad ng mga magbibiyaheng motorista.

Samantalang ang mga Police Assistance Centers (PACs) ay magsisilbi namang quick reaction points para sa police emergency and medical assistance, habang ang advance command post ay para naman sa traffic management at security operations.

Nabatid na sa mga baybayin ay inatasan naman ni Ebdane ang Maritime Group at PNP local units para magsagawa ng seaborne patrols at iba pang police security operations.

Sa Metro Manila, ang "Oplan Bantay Lakbay" ay pangungunahan naman ng ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pakikipagtulungan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Binigyang diin ni Goltiao na ang "Oplan Bantay Lakbay" operations sa Metro Manila ay sesentro naman sa preventive patrols na mahigpit na magbabantay sa mga elementong kriminal na maaaring magsamantala sa pagbabakasyon sa mga lalawigan ng marami.

vuukle comment

CHIEF DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

JOEL GOLTIAO

MAHARLIKA HIGHWAY

MARITIME GROUP

METRO MANILA

OPLAN BANTAY LAKBAY

OPLAN BANTAY-LAKBAY

POLICE ASSISTANCE CENTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with