^

Metro

13 anyos patay sa kaklase

-
Isang 13-anyos na high school student ang iniulat na nasawi makaraang makipagsuntukan sa kanyang 14-anyos na kaklase sa loob ng compound ng kanilang paaralan sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni Det. Edison Bertoldo ng WPD ang nasawi na si Johndrel Alcantara. Patay na ito nang idating sa Chinese General Hospital.

Base sa inisyal na ulat ng pagamutan, heart failure ang naging dahilan ng kamatayan nito.

Walang nakitang anumang external injury sa katawan nito.

Base sa imbestigasyon nagkaroon umano ng pakikipaglaban si Alcantara sa kaklase nito sa loob ng Esteban Abada High School na nasa Blumentritt Extension sa Sampaloc, Maynila dakong alas-8:40 ng umaga.

Binanggit pa ng nakalaban ng biktima na ito ang unang umupak sa kanya at paganti na sana siya ng makita niyang biglang nanigas si Alcantara at naghabol ng hininga.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Kapwa pinatawag ng schools officials ang mga magulang ng magkaklase na nagkasundo na lamang sa pangyayari.

Sasagutin ng magulang ng nakalaban ni Alcantara ang ospital at burial expenses ng biktima. (Ulat ni Nestor Etolle)

vuukle comment

BINANGGIT

BLUMENTRITT EXTENSION

CHINESE GENERAL HOSPITAL

EDISON BERTOLDO

ESTEBAN ABADA HIGH SCHOOL

ISANG

JOHNDREL ALCANTARA

KAPWA

MAYNILA

NESTOR ETOLLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with