^

Metro

Contractor tinodas sa harap ng bahay

-
Isang contractor ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hinihinalang karibal nito sa negosyo sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Eulogio Francisco, 45, ng Baeting Compound, Old Samson Road, Barangay Apolonio Samson, Quezon City.

Si Francisco ay hindi na umabot nang buhay sa pagamutan bunga ng tinamong labintatlong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Base sa ulat, dakong alas-5:30 ng madaling-araw ng maganap ang pangyayari sa tapat mismo ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Naglalakad umano pauwi ang biktima nang bigla na lamang sumulpot mula sa likuran nito ang suspect at saka sunud-sunod na pinagbabaril ang una.

Matapos ang insidente ay kaswal lamang na lumayo ang suspect at tumakas.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa negosyo ang motibo sa pagpaslang sa naturang contractor. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BAETING COMPOUND

BARANGAY APOLONIO SAMSON

CRUZ

EULOGIO FRANCISCO

ISANG

MALAKI

OLD SAMSON ROAD

QUEZON CITY

SI FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with