^

Metro

Lalaki pumalag sa holdap,kritikal

-
Isang pasahero ang nasa kritikal na kondisyon matapos itong pumalag at saksakin ng isa sa tatlong holdaper na sumalakay sa isang pampasaherong aircon bus, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ginagamot sa Polymedic Hospital ang biktima na nakilalang si Cedric Baloco, 32, ng #3500 V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila sanhi ng tinamo nitong malalim na saksak sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang tatlong suspect matapos ang isinagawang panghoholdap at pananaksak.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:45 ng madaling-araw sa loob ng isang pampasaherong aircon bus na bumabagtas sa panulukan ng Rotonda at EDSA sa Pasay City.

Napag-alaman na galing sa Baclaran ang bus patungong Makati kung saan nagpanggap ang mga suspect na pasahero. Pagsapit sa nabanggit na lugar ay nagdeklara ang mga ito ng holdap.

Nilimas ng mga suspect ang pera at alahas ng mga pasahero at pagsapit sa biktima ay pilit na kinukuha ng mga ito ang cellphone ng biktima.

Sa halip na ibigay ay pumalag ang biktima dahilan upang saksakin siya ng isa sa mga suspect.

Mabilis na tumakas ang mga suspect dala ang lahat ng nakulimbat sa mga pasahero. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BACLARAN

CEDRIC BALOCO

GINAGAMOT

LORDETH BONILLA

MABILIS

MAPA ST.

PASAY CITY

POLYMEDIC HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with