^

Metro

Babaero si mister, misis nagbigti

-
Dala ng labis na sama ng loob sa pambababae ng kanyang mister, isang misis ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakabitin at halos nangingitim na ang katawan ng biktimang si Agnes Buenaobra, 35, ng #134 Kapiligan St. Brgy. Doña Imelda, Galas, Quezon City nang matagpuan ng kanyang baby sitter na si Joan Alcantara.

Batay sa ulat ni SPO1 Fedencio Basibas ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), natagpuan ni Alcantara ang biktima dakong alas-6 ng umaga sa loob ng nipa hut na ginagawang pahingahan nito.

Nauna rito, hindi makita ni Alcantara ang kanyang amo sa loob ng bahay kung kaya’t minabuti niyang puntahan sa ipinagawa nitong nipa hut.

Laking gulat na lamang ni Alcantara nang makitang nakabitin ang biktima habang nasa silya ang isang suicide note na para sa kanyang among lalaki.

Nakasaad sa suicide note ang,"sana tigilan mo na ang pambababae, ’wag ka nang pumatol sa GRO baka ka magkasakit. Pasensiya ka na, kaya ko ’to nagawa dahil alam kong pabigat din ako sa buhay mo."

Ayaw namang magbigay ng anumang pahayag ang mister ng biktima. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AGNES BUENAOBRA

AYAW

BATAY

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DALA

DORIS FRANCHE

FEDENCIO BASIBAS

JOAN ALCANTARA

KAPILIGAN ST. BRGY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with