^

Metro

Ulo ng obrero nilamon ng makina

-
Kahindik-hindik ang naging kamatayan ng isang 25-anyos na obrero makaraang madurog ang ulo nito nang lamunin ng makina sa kanyang pinapasukang pabrika, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Nabatid na namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Richard Santillan, residente ng #92 Don St., Balintawak, Quezon City.

Base sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng Far Excellence Corp. na matatagpuan sa #18 Sitio Malinis St., Elbica Compound, Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City.

Kasalukuyan umanong abala ang biktima at ang mga kasamahan nito sa trabaho nang buksan ni Santillan ang Double Station machine na siyang ginagamit ng mga ito sa pagputol ng mga tela.

Dagdag pa sa ulat, bigla na lamang umanong sumara ang pinto ng naturang makina at naipit ang ulo ng biktima.

Nagawa pa umanong makahingi ng tulong ng biktima sa kanyang mga kasamahan ngunit wala rin umanong nagawa ang mga ito upang alisin sa pagkakaipit sa makina ang ulo ng biktima dahilan upang tuluyan itong madurog.

Naalis lamang sa nasabing makina ang katawan ng biktima nang patayin ng mga rumespondeng pulisya ang nasabing killer machine. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

DON ST.

DOUBLE STATION

ELBICA COMPOUND

FAR EXCELLENCE CORP

LAWANG BATO

QUEZON CITY

RICHARD SANTILLAN

ROSE TAMAYO

SITIO MALINIS ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with