^

Metro

Nagkabanggaan lang, 2 pulis muntik magbarilan

-
Muntik nang magduwelo ang dalawang pulis sa loob mismo ng Western Police District Headquarters (WPD) nang magkainitan ang dalawang ito makaraang magkabanggaan ng balikat sa kabila na bisita nila si NCRPO Director Reynaldo Velasco na nagsasagawa ng command conference, kamakalawa ng umaga.

Nagsampa ng reklamo sa WPD-General Assignment Section si SPO4 Benedicto Rodriguez ng Intelligence Section laban kay PO3 Hernani Aga.

Sinabi nito na nagte-text umano siya nang mabangga ni Aga na nakikipagharutan sa isang kapwa pulis.

Sa halip na humingi ng dispensa dahil sa mas mataas ang ranggo ni Rodriguez, nagkasagutan pa ang dalawang pulis at nagsalita si Aga na ‘baka magkabunutan sila ng baril’.

Naalarma na umano siya nang hawakan na ni Aga ang dulo ng baril nito at akmang bubunutin. Naiwasan naman ang pagdanak ng dugo nang maawat si Aga ng mga kasamahan nito. Ang naturang insidente ay sa kabila ng nagaganap na command conference na pinamumunuan ni Velasco na bisita ng WPD. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BENEDICTO RODRIGUEZ

DANILO GARCIA

DIRECTOR REYNALDO VELASCO

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

HERNANI AGA

INTELLIGENCE SECTION

MUNTIK

NAALARMA

NAGSAMPA

WESTERN POLICE DISTRICT HEADQUARTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with