^

Metro

Life sa Intsik na nahulihan ng 1 kilong shabu

-
Pinatawan kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ng parusang habambuhay na pagkabilanggo ang isang Intsik makaraang mahulihan ng isang kilo ng shabu noong 1999.

Sa siyam na pahinang desisyon, bukod sa habambuhay na pagkabilanggo inatasan din ni QCRTC Judge Demetrio Macapagal Jr., Branch 79 ang akusadong si Po Chuan, alyas Gilbert Yang na nagmulta ng halagang P500,000 bilang paglabag sa Drugs Law.

Batay sa rekord ng korte, si Po ay nahuli ng pulisya sa isang buy-bust operation noong nakaraang Marso 20, 1999. Nasamsam dito ang isang kilo ng shabu.

Hindi pinaniwalaan ng korte ang alibi ng akusado na walang naganap na buy-bust operation at kakilala lamang niya ang mga pulis. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BATAY

CRUZ

DRUGS LAW

GILBERT YANG

INTSIK

JUDGE DEMETRIO MACAPAGAL JR.

MARSO

NASAMSAM

PO CHUAN

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with