^

Metro

Lalaki inatado ng kainuman

-
Isang lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang kainuman kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Patay na nang idating sa Philippine Orthopedic Hospital ang biktima na nakilalang si Paolo Postrero ng 12-A Mauban St., Brgy. Manresa ng nasabing lungsod matapos na magtamo ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Jonathan Villareal, 27, kapitbahay ng biktima.

Ayon kay SPO1 Fedencio Basibas ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas 2:15 ng madaling araw sa bahay ng isa pang kaibigan ng biktima at suspek.

Nabatid na bago naganap ang insidente, masayang nag-iinuman ang biktima at suspek nang bigla na lamang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sinabi ng mga saksi na ayaw patalo ng dalawa hanggang sa mauwi sa suntukan at makakuha ng patalim si Villareal na itina-rak naman ng ilang ulit sa katawan ng biktima. (Ulat ni Doris Franche)

A MAUBAN ST.

AYON

BRGY

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

FEDENCIO BASIBAS

JONATHAN VILLAREAL

PAOLO POSTRERO

PHILIPPINE ORTHOPEDIC HOSPITAL

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with