^

Metro

Mekaniko nagbigti dahil sa kahirapan

-
Dahil sa hirap ng buhay at dahil na rin umano sa pagiging bungangera ng misis, mas ninais ng isang mekaniko na magpatiwakal, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Quelito Nerido, 34, ng Woodpecker St., Barangay Rizal ng nabanggit na lungsod.

Lawit ang dila at malamig ng bangkay nang matagpuan ito ng kanyang mga anak na nakasabit sa kisame ng kuwarto ng bahay dakong alas-11 ng gabi.

Ayon sa ulat ni SPO4 Leonardo Timtiman, ng Makati City Police, huling nakitang buhay si Nerido dakong alas-6 kamakalawa ng gabi habang mag-isang nag-iinom bago nagkulong sa loob ng kanyang kuwarto.

Ilang oras ang nakalipas ay pinuntahan ito ng kanyang mga anak sa kuwarto at doon na nadiskubre ang pagbibigti nito.

Ayon sa ilang kaanak maaaring matinding depresyon ang nagtulak dala ng matinding kahirapan at pagbubunganga ng misis ang dahilan ng isinagawa nitong pagpapakamatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY RIZAL

DAHIL

ILANG

LEONARDO TIMTIMAN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

QUELITO NERIDO

WOODPECKER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with