^

Metro

Dating parak natagpuang patay

-
Natagpuan ang bangkay ng isang dating pulis na tadtad ng saksak sa katawan, kahapon ng hatinggabi sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si ex-PO2 Reynaldo Igdanes, 49, ng 97 Everlasting St., Barangay Central ng naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Fedencio Basibas ng CPD-CIU dakong alas-12:05 ng hatinggabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa may 430 Azucena St. ng nabanggit na lugar.

Isang Christian Daylo ang iniulat na nakakita sa bangkay nito.

Hindi pa malaman ng mga awtoridad ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa dating pulis at kung sino ang maaaring may gawa nito.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AZUCENA ST.

BARANGAY CENTRAL

CRUZ

EVERLASTING ST.

FEDENCIO BASIBAS

ISANG CHRISTIAN DAYLO

NAKILALA

QUEZON CITY

REYNALDO IGDANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with