^

Metro

Higanteng billboards ugat ng aksidente sa MM

-
Sinisisi sa ilang aksidente ng mga motorista sa kalsada ang naglalakihang advertisement billboards at signboards na naka-display sa mga pangunahing lansangan at open spaces sa Metro Manila.

Nabatid na naaaliw ang mga drivers sa pagsulyap sa mga naggagandahan at naglalakihang posters at television monitor na nagpapakita ng ilang movie preview at traffic advisory sa kanilang pagdaan.

Hindi naman ito paborable kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani F. Fernando makaraang mamonitor nito na ito’y sanhi ng mga road accidents at sagabal sa daloy ng trapiko dahil kadalasan kapag nagustuhan ng driver ang nasulyapan ay binabagalan nito ang kanyang pagmamaneho.

Dahil dito ay hiniling ni Fernando sa Local Government Units ng Metro Manila na magpasa ng resolution upang ma-regulate ang instilasyon at tamang pagkakabit ng mga display advertisement signs sa mga pangunahing lansangan, street roads, avenues, parks at open spaces.

Pinuna din ni Fernando ang soap opera advetisement at product display na nakapaskil sa poste ng MRT sa EDSA na nakaaagaw atensiyon sa mga motorista.

Ayon pa dito, ang pagpapasa ng ordinansa para dito ay upang malimitahan at mabigyan ng tamang lugar ng pagdidikitan ng kanilang mga billboards. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

vuukle comment

AYON

BONILLA

CHAIRMAN BAYANI F

DAHIL

FERNANDO

LOCAL GOVERNMENT UNITS

LORDETH B

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with