^

Metro

Nawawalang K-9 narekober

-
Nag-agawan kahapon sina Caloocan City Mayor Malonzo at Caloocan 2nd District Congressman Edgardo "Egay" Erice sa pagprisinta sa natagpuang K-9 bomb sniffing dog na unang iniulat na nawawala noong Huwebes.

Kaugnay nito, dalawang K-9 dog ang halos magkasabay na iniharap sa mga mamamahayag kahapon kung saan nang iprinisinta ang isang aso sa tanggapan ni Caloocan City Police chief Pol. Senior Supt. Benjardi Mantele.

Ayon sa panayam kay Jojo Rodis, 37, owner/handler ng nasabing aso na nakita umano noon pang nakaraang linggo ng isang nagngangalang Ding Librado na kanyang kapitbahay sa Bagombong, Caloocan City ang aso.

Ang asong si Sarah ayon pa kay Rodis ay nakawala lamang umano sa pagkakatali noong Huwebes.

"Nag-panic lang ang aso dahil sa lakas ng kulog... akala niya putok na ng baril, umalma hanggang sa makahulagpos sa kanyang tali."

Sinabi pa nito na tumanggi umanong tanggapin ng nakakita kay Sarah ang P5,000 na kanyang inilaan bilang pabuya.

Ayon na rin kay Rodis, kanyang isasailalim sa debriefing at retraining si Sarah at nakatakda rin umano itong isailalim sa medical check-up sa kanyang veterinarian upang masuri kung ito ay nagkaroon ng "heart worm" na anya ay nakukuha ng aso sa pamamagitan ng mga kagat ng lamok.

Ayon naman kay Caloocan City Police Special Intelligence and Investigation chief Pol. Supt. Dionisio Borromeo, hindi na umano magsasagawa ng imbestigasyon pa ang kanyang tanggapan hinggil sa nasabing isyu.

Samantala, ilang minuto matapos ang presentasyon sa nasabing K-9 bomb sniffing dog, isa na namang Sarah na halos hawig sa unang Sarah ang iniharap ni Erice sa mga mamamahayag sa tanggapan ni Northern Police District Director Pol. Senior Supt. Marcelino Franco kung saan anya ay natagpuan ito noong Biyernes ng hapon ng isang nagngangalang Rogelio dela Cruz, 35, sa Bukid Area, Bagombong, Caloocan City.

Ayon pa kay Erice, malaki ang kanyang paniniwala na ang pangalawang aso ang tunay na Sarah base umano sa deskripsiyon na kanyang nabasa sa mga pahayagan.

Anya, kung ayaw umanong angkinin ni Rodis ang nasabing aso ay kanya na lamang itong ibibigay sa NPDO bilang donasyon.

Ayon naman kay Franco, kanila umano itong isasailalim sa kanilang custody at nakatakda rin umano nila itong ipapaalaga sa isang K-9 professional trainor. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ASO

AYON

BAGOMBONG

BENJARDI MANTELE

BUKID AREA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR MALONZO

KANYANG

RODIS

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with