^

Metro

Mamahaling rubber shoes puntirya ngayon ng snatcher

-
Hindi lamang alahas, bag,cellphone at wallet ang pinupuntirya ngayon ng mga snatcher, maging mamahaling rubber shoes na suot ng biktima ay puwersahan na ring inaagaw.

Ganito ang nangyari sa isang 32-anyos na janitor ang iniulat na nasawi makaraang pag-interesan ng isang kilabot na snatcher ang bagong bili niyang rubber shoes, kamakalawa sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Lolito de Guzman, ng Instruccion St., Sampaloc, Manila.

Base sa ulat na tinanggap ng Camp Karingal nabatid na nakatayo ang biktima sa may panulukan ng Araneta at E. Rodriguez Avenue dakong alas-11:30 ng tanghali nang biglang sumulpot buhat sa likuran ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Edwin.

Agad na hinaltak ng suspect ang buhok ng biktima at saka sinuntok ng malakas sa leeg. Ito ang dahilan upang bumagsak na walang malay ang biktima.

Sinabi pa ng mga testigo kay PO2 Joseph Carlos Madrid, may hawak ng kaso na makaraang bumagsak sa semento ang biktima agad na inalis ng suspect ang suot nitong rubber shoes na may tatak na ‘Reebok’ at pagkatapos ay mabilis ng tumakas.

Samantala, mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Ayon pa sa pulisya ang suspect, base sa pahayag ng mga testigo ay kilalang snatcher sa naturang lugar at ang napag-interesan ay ang bagong rubber shoes ng biktima.

"Kailangan niya itong patumbahin para makuha niya ang sapatos, kaya sa leeg niya agad dinale," pahayag pa ng pulisya.

Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng pulisya para sa ikadarakip ng suspect. (Ulat ni Katherine Adraneda)

vuukle comment

ARANETA

AYON

BIKTIMA

CAMP KARINGAL

EDWIN

INSTRUCCION ST.

JOSEPH CARLOS MADRID

KATHERINE ADRANEDA

QUEZON CITY

RODRIGUEZ AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with