^

Metro

Driver hindi nagbigay ng tong, binoga

-
Isang driver ang binaril at napatay ng isang lalaki matapos umanong tumangging magbigay ng P20 tong sa huli para pambili ng alak, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Hindi na umabot nang buhay matapos isugod sa pagamutan ang biktima na nakilalang si Edwin dela Cruz, 26, ng Sta Maria, Bulacan sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Kaagad namang nadakip ang suspect na nakilalang si Salman Batugan, 38, ng Muslim Compound, Roxas Blvd., Brgy. Baclaran ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-5 kahapon ng umaga sa Seawall ng Roxas Boulevard sa Barangay Baclaran.

Napag-alaman na hinihintay ng biktima ang ipapasada nitong bus nang lapitan ng suspect at pilit na hinihingan ito ng P20 tong para ipang-inom.

Tumanggi ang biktima na ikinagalit ni Batugan kayat mabilis itong kumuha ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima.

Nagtangka pang magtago ang suspect subalit natunton din siya ng mga awtoridad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BACLARAN

BARANGAY BACLARAN

BATUGAN

LORDETH BONILLA

MUSLIM COMPOUND

ROXAS BLVD

ROXAS BOULEVARD

SALMAN BATUGAN

STA MARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with