^

Metro

Taho vendor tinodas sa saksak

-
Binurdahan ng saksak hanggang sa mapatay ang isang taho vendor ng kapwa nito vendor matapos umanong magtinda ang una sa puwesto ng huli kahapon ng umaga sa bayan ng Taguig.

Namatay sa lugar nang pinangyarihan ang biktima na nakilalang si Reynaldo Soriano, 29, ng Baltazar st., Pasig City dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na alyas James Tisoy, walang permanenteng tirahan ay agad na tumakas.

Sa report ng pulisya, dakong alas-8:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Labao st., Brgy. Liguid, Tipas.

Kinompronta at pinaaalis ng suspek na isa ring taho vendor ang biktima nang makita nito na nagtitinda sa kanyang puwesto.

Sinagot umano ng biktima ang suspek nang pabalang na wala itong karapatan na siya ay pagbawalan sa puwesto dahil sa pampubliko ang lugar.

Sa puntong ito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa mapikon ang suspek at kinuha ang patalim na nakatago sa ilalim ng lalagyan ng sago at inundayan ng maraming beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BALTAZAR

BINURDAHAN

BRGY

JAMES TISOY

KINOMPRONTA

LABAO

LIGUID

LORDETH BONILLA

PASIG CITY

REYNALDO SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with