^

Metro

Mason nagwala: 2 patay, 1 pa sugatan

-
Dalawa katao ang iniulat na nasawi, samantalang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng isang lasing na mason sa Fort Bonifacio, Taguig, kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Fort Bonifacio Hospital ay nakilalang sina Federico Omancito, 51, retiradong sundalo, at Delia Sanchez, 45, negosyante, kapwa nakatira sa Wild Cat Village, South Side, C-5 Road, Fort Bonifacio ng nasabing bayan.

Ginagamot naman sa Rizal Medical Center ang isa pang biktimang si Lolita Villares, 37, matapos na magtamo ng isang tama ng bala sa tiyan.

Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Jun Martines, 31, mason, tubong Mindanao at residente rin sa nasabing lugar.

Ayon kay SPO2 Dennis Dacanay, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa Wild Cat Village, C-5 Road, Fort Bonifacio.

Bago ang insidente, umiinom umano ng alak sa kanyang bahay at nang malasing ito ay biglang na lamang kumuha ng isang kalibre .45 baril at pagkatapos ay nagtungo sa bahay ng mga biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito.

Mabilis na tumakas ang suspect dala ang ginamit na baril.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng suspect para pagbabarilin ang mga biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DELIA SANCHEZ

DENNIS DACANAY

FEDERICO OMANCITO

FORT BONIFACIO

FORT BONIFACIO HOSPITAL

JUN MARTINES

LOLITA VILLARES

LORDETH BONILLA

RIZAL MEDICAL CENTER

WILD CAT VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with