^

Metro

Amang nagtangkang pumatay sa mga anak, arestado

-
Isang 54-anyos na ama ang naaresto ng pulisya matapos umanong tangkaing patayin ang kanyang mga anak at isang pulis sa kanyang pagwawala habang nasa impluwensiya ng alak dahil umano sa pagkaaburido sa buhay, kahapon ng madaling araw sa Pasig City.

Nakilala ang naarestong suspect na si Adulfo Juinio, contractor, at residente ng F. Castillo St., Brgy. Bambang ng lungsod na ito.

Ipinagharap ito ng reklamo ng kanyang mga anak na sina Letty Junio, 49, negosyante; Kirby, 25 at Cathyrine, 19.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-12:30 ng madaling-araw lasing na sumugod sa kanilang bahay ang suspect na si Juinio at nagsisigaw na papatayin niya ang kanyang mga anak habang armado ito ng isang baril at isang itak.

Hindi naman nito nagawang makapasok sa kanilang bahay kaya itinuloy ang kanyang pagwawala sa naturang lugar.

Sa ganoong pagkakataon ay nagresponde si PO1 Daniel Robiene ng Police Community Precint 8 at tinangkang payapain si Juinio, gayunman imbes na pumayapa ay hinabol pa nito ng taga ang nasabing pulis.

Nasakote lamang ang suspect nang rumesponde ang isang mobile patrol car. Narekober dito ang isang kalibre.38 baril at isang jungle bolo.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo nang pagwawala ng suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ADULFO JUINIO

BAMBANG

CASTILLO ST.

DANIEL ROBIENE

DANILO GARCIA

ISANG

JUINIO

LETTY JUNIO

PASIG CITY

POLICE COMMUNITY PRECINT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with