^

Metro

19 anyos na dalagang ina nagbigti

-
Dahil sa takot sa banta ng kanyang live-in partner na kukunin ang anak sa oras na sila ay maghiwalay, isang 19-anyos na dalagang ina ang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Si Nancy Escobido, ng nabanggit na lunsod ay patay na nang matagpuan ng kanyang kaibigan na si Daniel Tuazon habang nakabitin pa sa kisame ng kanilang bahay gamit ang isang nylon cord.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-12:45 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ni Escobido.

Bago umano naganap ang pagpapatiwakal nito ay nagkaroon ito nang pakikipagtalo sa live-in partner na kinilalang si Albert Jimenez, 21, na nagbanta pa na kukunin ang kanilang anak kung makikipaghiwalay ito ( Escobido) sa kanya (Jimenez).

Matapos magtalo ay agad na umalis si Jimenez, samantalang agad namang nagkulong sa silid ang babae hanggang sa madiskubre ang bangkay nito.

Wala namang iniwang suicide note si Escobido, habang patuloy pang sinisiyasat ang kaso para alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALBERT JIMENEZ

CALOOCAN CITY

DAHIL

DANIEL TUAZON

ESCOBIDO

GEMMA AMARGO

JIMENEZ

LUMALABAS

MATAPOS

SI NANCY ESCOBIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with