Illegal on-line casino nabuwag
November 11, 2000 | 12:00am
Pinaniniwalaang nalansag na ng Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kauna-unahang illegal on-line internet casino matapos na madakip ang 22 katao na mga professional computer wizards sa isinagawang operasyon sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ayon kay PCTC executive director, Deputy Director General Leandro Mendoza at CIDG director Chief Supt. Francisco Zubia, sinalakay ang tanggapan sa 20-C Antipolo st., Pasay City at sa 211-E Soliven st., Manggahan, Pasig City sanhi ng paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling Thru Internet Casino) at RA 8484 (Access Devise Regulation Act).
Kinilala nina Mendoza at Zubia ang nadakip na si Sodin Magno, isang US citizen at tapos ng Master in Software Engineering sa Amerika.
Si Magno ang sinasabing maintainer at financier ng I-Active Design Inc., isang lokal na prente ng kompanyang Vegas USA na nagpapatakbo ng internet casino sa buong mundo sa pamamagitan ng computer server sa bansa.
Kasamang nadakip ni Magno si Agapito Buenaflor III, presidente ng I-Active at Marilyn Salazar, bookkeeper ng nasabing kompanya.
Base sa intelligence report ng PCTC, ang Vegas USA ay isang gaming corporation na nagsasagawa ng operasyon sa ilalim ng batas ng bansang Costa Rica.
Ngunit wala naman itong permiso, maging lokal man o nasyonal na inisyu ng gobyernong Pilipinas upang makapagsagawa ng kanilang operasyon sa bansa.
Napag-alaman din na nangangalap ang nasabing kompanya ng mga may kaalaman sa computer na empleyado sa paggamit ng information and communication technology (ICT).
Ayon pa sa report, ang mga staff nito ay nasangkot na rin sa ilang "computer crimes" maging sa bansa partikular na sa Amerika. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest