^

Kutob

Nobyembre 4, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Ang Diyos ay nag-aayos sa bawat balakid na humahadlang para ma­ging masaya tayo. Kailangan lang ay manalig tayo sa Kadakilaan at kapangyarihan Niya, dahil lahat posible sa Kanya.

SCORPIO (Oktubre 24-Nob­yembre 22) – Wala kang maaasahan kaya malaking pasasalamat kung matutulungan ka ng isang kaibigan o kamag-anak. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39 at 42 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Huwag magpadala sa mungkahi ng iba at sariling desisyon ang sundin. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal.  Lucky number at color for the day ay 6, 9, 21 at 45, at white.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansiyal o tungkol sa kalusugan na dapat bigyang halaga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang payo sa pinansiyal ay isaalang-alang at pag-aralang mabuti. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad at magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig.  Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang kumplikasyon sa pera sa nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga dahil masasangkot lamang sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung ang nasa kalooban ay tapat at walang pagkukunwari, nasa tamang landas ng tagumpay. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 16, 34 at honey yellow.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mayaman ang guniguni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni para maisakatuparan ang planong negosyo. Taglay ang maliwanag at malikhaing pag-iisip na angkop sa pagpaplano ng kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 41 at jade green.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan dahil mahihirapan ka. Magsimula ng pagba-buget at mag-impok para may madukot kung kakailanganin sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Suriing mabuti  ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan. Importante ang tulong na maibibigay ng mga natulungan noon. Magpasalamat sa natanggap na magandang mungkahi para sa negosyo. Lucky numbers at color for the daya y 3, 9, 12, 15 at turquoise.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliranin na kasangkot ang ilang kasamahan o kasambahay ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig o pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Tumpak ang panahon na pagyamanin ang katalinuhan at karanasan. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

ANG DIYOS

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with