^

Kutob

Oktubre 21, 2015

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang Diyos ay nag-aayos, kaya iasa sa Kanya ang mga bagay na nakakapagpagulo sa isip mo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat akalain. Isang dating insidente ang maulit na hindi sinasadya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18,  22, 34 at ruby red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Unahin ang kapakanan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Lucky numbers at color for the day ay 18, 23, 36, 38 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makapag-isa para makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 26, 37 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag sagarin ang sarili sa trabaho dahil kalusugan ang bibigay. Makakahanap ng tamang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 29, 35, 42 at orange.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng hindi makakalimutang kaganapan. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 28, 39 at gray.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag magsisi kung may magagawang mali, i-charge to experience ito at na hindi na dapat maulit. Ipanatag ang isipan sa problema dahil darating ng kusa ang solusyon sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 20, 29, 34, 42 at yellow.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Sa impluwensiya ng panahon, walang magiging suliranin. Magiging masaya ang pakikihalubilo sa kasamahan, kaibigan at kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 23, 41 at maroon.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May pabuya na matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag magkumento para hindi magatungan at lalong sisiklab. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 29, 38 at avocado green.   

GEMINI (Mayo 21- Hun­yo 21) – Magtiwala sa nararamdaman dahil nakalalamang na hindi magkakamali. Huwag patulan ang mag-aasar. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Iiral ang katamaran, kasungitan, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan ngayon.Lucky numbers at color for the day ay 18, 25, 39, 43 at blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain  nito ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 29, 33 at brown.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Para hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil makakalimutin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 29, 33 at brown.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

ANG DIYOS

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with