Enero 3, 2013
Rosalinda L. Orosa (The Philippine Star) - January 3, 2013 - 12:00am

Pagtitibay:  Alalahanin na maging responsible ka kung nais mo ang kalayaan.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Sa mga walang tiyaga, walang sikap at tamad, hikahos  ang dadanasin. Kung hangad na umunlad simulan ang magsipag at magsikap. Magtatagumpay ang pagtitiyaga at pag­sisikap at magsisimulang pitasin ang tamis ng bunga ng tagumpay. Iwasan ang tsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 14, 30 at red.  

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Paghunos-dili ang kailangan sa mga babae dahil malakas ang feminine desire. Sa mga lalaki maging mala­kas ang masculine desire at kung walang disiplina baka magsisi. Iwasan ang mapaglarong isipan dahil maaaring pasukan ng hindi magandang ideya. Lucky numbers at color for  the day ay 10, 13, 17, 24 at light green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Huwag mag-atubili na ipakita ang kakayahan dahil kailangan nga­yon. Magpakahinahon dahil mapapasabak ka sa mental o pisikal na gawain. Pagod ang iyong mararamdaman sa hapon o gabi subalit kasiyahan ang kapalit sa mga natapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 12, 30, 37 at green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Nasa signos ang aksidente o disgrasya kaya iwasan ang mga dapat iwasan. Ipagpaliban ang balak sa paglalakbay. Mag-ingat. Maaaring makatanggap ng balita mula sa koreo, telepono o sa makaba­gong teknolohiya. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 9, 37 at brown.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Mapapasakamay ang hangarin sa pag-ibig kung taos sa puso at malinis ang pa­kay. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal na bagay o matatamis na salita kundi sa gawa at pang-unawa. Sikapin na matupad ang pangako sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 25, 36, at dollar green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Magmahinahon at magpasensiya upang malayo sa disgrasya o away. Kung hindi mapaglabanan ang pagkatamad hindi makakapasok sa pinapasukan o walang magawang trabaho. Kung  makapagtrabaho magiging maikli ang pasensiya at magiging mainitin ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 32, 37 at indigo.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Maraming makabuluhang bagay ang naghihintay na dapat gawin. Kung gusto ng kaunlaran kilos, sipag at tiyaga ang dapat, huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o tsismisan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 25, 37 at jade green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Ang pagbibigay halaga sa kalusugan ng magulang o kaanak na may karamdaman ay dapat bigyan ng panahon at masusing pansin. Pakiramdaman ang kutob ng hindi magkamali sa gagawin o desisyon. Ang nasimulaang trabaho ay tatakbo ng maayos at mabilis kung iiwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 26, 39 at carnilian.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Mapalad na transaksyon ang sadyang darating na dapat huwag paalpasin. Walang dahilan upang magkaroon ng abala sa ga­gawin. Iwasan na mangako dahil hindi kayang tuparin. Ang usapan ay salamin ng pagkatao na dapat hindi sirain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 2, 36 at agate green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Kung taimtim ang panalangin, mapapawi ang suliran at mapapanatag ang kalooban. Mahalaga ang mga payong matatanggap mula sa nagmamahal, magulang o kaibigan. Iwasan na magtampo dahil walang mapapala kundi  sakit ng  damdamin at maging emos­yonal. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 15, 32 at emerald green.  

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Iwasan na magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Layuan ang makamandag na tukso. Dalawang uri ang payo, may ma­kakabuti at may nakakasama. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payong matatanggap. Sikapin na mamalagi ang magandang samahan sa loob ng tahanan maging sa pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 25, 36, at royal blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Ka­unting panahon na lamang ang kailangan upang maabot ang hinahangad. Makulay ang panahon sa mga taong ma­ganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasan na magalit o mag-init ang ulo dahil kung mangyayari walang magagawang trabaho at magiging madilim ang iyong mundo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 36, 41 at fuchsia.

 

COLOR DAY IWASAN KUNG LUCKY MDASH NUMBERS SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with