^

Kutob

Hulyo 1, 2011

- Madam Rosa -

Pagtitibay: Tuloy tuloy ang umaapaw na biyayang kayamanan mula sa Diyos.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Kaila­nganin mo ngayon ang matibay na self-control sa sarili dahil baka may susubok ng iyong pagtitimpi. Iwasan magalit o mag-init ang ulo dahil ito ang sisira ng iyong magandang araw. Iwasan ang mapagbirong kaibigan. Huwag mapikon. Lucky numbers at color of the day ay 9, 14, 20, 21 at brown.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Maaring urong-sulong ang mga pangyayari kaya dapat gawain ay makisayaw sa tugtog. Maging sa sarili hindi nakakatiyak kung ano ang dapat gawain at kung ano ang tama o mali. Dapat mag-relax, mamasyal o manood ng sine upang makasagap ng magandang inerhiya.  Lucky numbers at color of the day ay 7, 13, 23, 34 at maroon.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Upang mag-tagumpay sa trabaho hagilapin ang lahat ng detalye ay i-ayon ang sarili. kung may hindi nalalaman huwag ikahiya magtanong. Umaayon ang panahon sa pagsaliksik ng mga bagay na wala sa kaalaman. May pagkakataon sasalungat ka  sa gusto ng iba at i-giit ang sariling nais. Lucky numbers at color of the day ay 3, 16, 18, 38 at cream.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Sikapin ang lahat nabinbin na mga gawain ay matapos bago sumapit ang hapon.  Ang anumang maiwang gawain ay maging walang kabuluhan sa hinaharap. Ang kalusugan ay hindi maging sagabal sa pagtupad ng tungkulin at obligasyon. Nasa sariling pagsikap ang ikakaunlad ng buhay. Lucky numbers at color of the day ay 10, 15, 18, 38 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Maaring ngayon makamit ang matagal  ng inaasam-asam.subalit maging sensitibo ka sa mga kakaunting bagay. Maaaring masaktan ka sa mga salitang marinig. Upang manatiling balanse ang enerhiya ng kaligayahan nakakabuti ang maging mahinahon. Lucky numbers at color of the day ay 8, 19, 21, 23 at ruby red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Kompetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ay magiging mahigpit subalit kung may promosyon sa pinapasukan asahan na isa ka sa kandidato. May matatanggap na hindi inaasahang regalo o sulat. Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong materyal o payo. Lucky numbers at color of the day ay 15, 28, 32, 39 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Maganda ang pagkakataon upang harapin ang dekalidad ng negosyo kaysa mag-relax at walang gagawain. Ang iyong talento ay malaking puhunan sa ikakaunlad kaya panahon na upang gamitin sa makabuluhang bagay. Huwag pansinin ang mga tututol at ipatuloy ang binabalak. Lucky numbers at color of the day ay 8, 19, 21, 24 at blue.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang paghanap ng walang bakanteng oras sa mga gawain ay hindi magbibigay ng tamlay sa sarili. Magiging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang iyong tinatahak sa kaunlaran. Pag-ibig ang siyang iyong gabay at inspirasyon sa pagsisikap. Lucky numbers at color of the day ay 12, 19, 26, 27 at lemon green.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Huwag maging hipokrito, kung ano ang payo ay dapat pakinggan at sundin kung inaakalang tama. Walang magsasalita laban sa iyo kung walang nakitang pagkakamaling nagawa. Ang payo ng mga magulang o nakakatandang kamag-anak ay mahalaga sa iyong ikakabuti. Lucky numbers at color of the day ay 6, 14, 30, 35 at gray.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung may lalakarin sa umaga ganapin upang magtagumpay. Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay walang kapalpakan subalit sa bandang hapon ay magi­ging matamlay at mabagal. Naaayon ang pamamasyal o pagdalaw sa kaibigan o kamag-anak pagkatapos ng trabaho o gawain. Lucky numbers at color of the day ay 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Ang taglay na kasipagan at pagtitiyaga ang mabisang puhonan para maabot ang kaunlaran. Ang  responsibilidad sa pamilya ay siyang maging pangunahin kaysa sa sarili. Magkaroon ng problema sa oras sa pagitan ng trabaho at ng pamilya. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang lahat ay may paraan at solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color of the day ay 4, 8, 29, 42 at beige.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ang  mga praktikal  na gawain ay siyang magbigay ng kasiyahan at dagdag moral. Ang mababang sahod na halos hindi sapat sa pangangailangan ng sarili at pamilya at magbigay ng pagkatamad sa gawain. Tatawag ang minamahalat dapat bigyan ng parihas na panahon ang tungkulin at ang pamilya. Lucky numbers at color of the day ay 2, 24, 34, 42 at red.

vuukle comment

COLOR

DAY

GAWAIN

HUWAG

KUNG

LUCKY

MDASH

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with