Ice, naging inspirasyon ang Broadway at Disney

Bago pa man nakilala si Ice Seguerra sa ganda ng kanyang boses at husay sa paggigitara, isa lang siyang bata na nagmamahal sa musika.
At ngayon ay nagbabalik siya sa mga kuwento at istorya na naging dahilan upang siya ay kumanta, sa Ice Sings! An Intimate Concert Series — Part I: Broadway & Disney, sa Nov. 6 and 7, 2026, na gaganapin sa Music Museum.
“My mom introduced me to musicals when I was very young. Lumaki ako watching The Sound of Music and West Side Story,” pag-aalala niya.
“I was taking voice lessons at the UP College of Music when I was seven. I sang ‘Part of Your World’ from The Little Mermaid at my recital. Pang-Disney ang song choice ko noon!” dagdag niya na tumatawa.
At ang kanyang first stage production ay ang Little Shop of Horrors with Repertory Philippines. Habang ang pangalawa ay ang The Wiz, na sa Repertory Philippines din kung saan ginampanan niya ang role na si Dorothy.
Habang siya ay nagkakaedad, ipinagpatuloy niya ang pagganap sa musical theatre, appearing in productions tulad ng The Rocky Horror Show, Avenue Q, and Rock of Ages.
Para kay Ice, ang musical theatre ay lagi niyang nagagawa ang dalawang bahagi ng kanyang pagiging artist: acting and singing. “I started as a performer, and music became such an important part of my life. But musical theatre has always been special to me because I get to do both,” he says. “Hindi lang siya tungkol sa pagkanta. You have to know what the character wants, what the song means, and why that moment matters.”
At ang ugali na iyan ay nananatili sa puso ng Ice Sings!
Para sa kanyang unang live na pagtatanghal, bumaling siya sa mga awitin mula sa mga Broadway musical at mga pelikula ng Disney—mga kantang puno ng mga karakter na naghahanap ng pag-ibig, lakas ng loob, pagtanggap, at kalayaang maging tunay na sarili.
Maaaring pamilyar na sa mga manonood ang mga awiting ito, ngunit nagbibigay ang konsiyerto ng pagkakataong marinig ang mga ito sa pamamagitan ng sariling tinig at pananaw ni Ice. “These songs shaped me growing up—as a singer, an actor and a person. I’m excited to sing them now as the person I’ve become.”
Presented by Fire & Ice LIVE, Ice Sings! An Intimate Concert Series — Part I: Broadway & Disney takes place on Nov. 6 and 7, 2026, at 8:00 p.m. at the Music Museum.
- Latest

























