Yeng, pamilya muna ang iniintindi

Ilang beses na yatang tinanong si Yeng Constantino kung bakit after 11 years of being married ay wala pa silang anak ng mister niyang si Yen Asuncion.
May valid reason naman si Yeng dahil sa kanya iniwan ng kanyang yumaong ina ang pag-alaga sa kanyang ama at mga kapatid. Naiintindihan naman daw ito ng kanyang mister.
“Marami pa po akong mga obligasyon. I talked to my husband, sabi ko, ‘Love, alam mo, kasi tayo ‘yung bine-bless ni God and ang daming dumarating na biyaya. I guess, ‘yung way ng mama ko na ibinilin niya sa akin ang mga kapatid ko is talagang kung bakit tayo binubuhasan ni Lord, meron siyang dahilan.”
Nitong taon lang, na-diagnose ng cancer ang kanyang ate at silang mag-asawa ang nakatulong sa medical bills nito.
“I think po kung meron man, kung will po ni Lord, kung mangyari po, okay. Pero right now, I’m just so happy na ako po ‘yung naka-assign sa family ko to help them,” sabi ni Yeng.
Salma, senior na rin
Nag-turn 60 na ang Mexican-American actress na si Salma Hayek at nag-celebrate siya sa pamamagitan ng pag-skinny-dip sa beach.
“60 and grateful,” caption ng aktres sa kanyang Instagram post.
Binati si Salma ng kanyang mga friends tulad nila Lindsay Lohan, Elle Fanning, Marion Cotillard, Olivia Munn, Diane Kruger, Rachel Zoe, Christina Hendricks, Rita Ora, at Paris Hilton.
Para kay Salma, age is just a number: “It’s something that you never imagined, and it’s like a call out of the blue and you’re trying to figure it out. I’m embracing my grey hair.”
Taong 1989 nagsimula si Salma sa Mexican telenovela titled Teresa. Na-penetrate niya ang Hollywood in 1995 sa pelikulang Desperado.
In 2003, siya ang first Mexican actress na makakuha ng Oscar best actress nomination for the movie, Frida. Ngayon ay pinasok na niya ang pagdirek at pag-produce ng TV shows at pelikula.
Kinasal siya in 2009 sa French billionaire na si Francois-Henri Pinault.
- Latest





















