^

Police Metro

PNP: Walang naganap na rescue sa ex-staff ni VP Sara

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang naganap na rescue o pagpapalaya sa dating­ household staff ni Vice President Sara Duterte at apat pang indibidwal nang samahan ng mga pulis ang kanilang mga abogado sa isang hotel sa Taguig City noong Nobyembre 17.

Ito ang nilinaw ng Phi­lip­pine National Police (PNP) na hindi nakapiit o pinipi­gilan ang limang indibidwal nang matagpuan sila sa isang hotel sa Bonifacio Global City.

Kusang bumaba ang mga ito mula sa kani-kani­lang kuwarto at sumama sa mga pulis patungo sa himpilan.

Nauna rito, sinabi ni Atty. Paolo Panelo, tagapagsalita   ni Duterte na nailigtas na ang dalawa sa mga dating staff nito sa tulong ng mga pulis.

Inalok pa umano ang dalawa ng trabaho sa isang resort sa Boracay noong Oktubre bago sila dinala sa Maynila sa pangakong sasailalim sa pagsasanay.

Iginiit ni Panelo na pinipilit umano silang pumirma sa mga sinumpaang salaysay na naglalaman ng mga alegasyon laban sa Bise Presidente kapalit ng pagtigil sa mga banta sa kanilang buhay, subalit tumanggi ang mga ito.

Ngunit sa pahayag ng PNP, dalawang abogado ang humingi ng tulong sa Fort Bonifacio Police Sub-Station 1 upang samahan sila sa pagkuha sa limang indibidwal sa hotel.

Nang matagpuan, wala umanong nakitang palatandaang “hinostage” ang mga ito o may agarang banta sa kanilang kaligtasan.

Sa himpilan ng pulisya, tumanggi ang lima na gumawa ng sinumpaang salaysay tungkol sa umano’y pagkakapiit at hindi rin tinukoy kung sino ang nasa likod ng sinasabing mga banta.

Ang kanilang mga abo­gado ang nagsumite ng salaysay na naging batayan ng police blotter noong Nob­yembre 17. Kusang umalis ang lima nang hindi humihingi ng karagdagang tulong.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with