British sailor, pinaghimalaan ni Virgin Mary (Part 1)
SI John “Jack” Traynor, isang sailor sa British Royal Navy Reserve, ay grabeng nasugatan sa First World War. Tinamaan ng shrapnel ang kanyang ulo habang nakikipaglaban sa Antwerp noong 1914. Noong 1915, tinamaan ng bala ang kanyang kanang kamay mula sa machine-gun fire sa Gallipoli na naging dahilan para ito ma-paralyzed at nagkaroon siya ng epilepsy.
Nang operahan siya, lalong lumubha ang kanyang kondisyon. Na-paralyzed ang kanyang mga binti at hindi na makalakad.
Sinabi ng mga doktor na wala nang pag-asa pang makalakad si Traynor. Binigyan siya ng full disability pension.
Subalit hindi sumuko ang kanyang pamilya. Malakas ang paniniwala nilang gagaling si Traynor at makakalakad muli ito sa tulong at awa ng Diyos.
Noong Hulyo 1923, ipinasya ng kanyang pamilya na isama si Traynor sa unang pilgrimage ng Archdiocese of Liverpool sa Lourdes, France.
Maraming naniniwala na ang paliligo sa pool ng Lourdes ay nakapaggagaling ng anuman uri ng sakit.
Malakas ang paniwala ng pamilya at ni Traynor mismo na kapag naligo siya sa pool ay gagaling siya sa dinaranas na sakit.
Pagagalingin siya ni Virgin Mary katulad din ng iba pang maysakit na gumaling makaraang maligo sa pool. (Itutuloy)
- Latest

















