^

PSN Showbiz

Lotlot, ayaw nang pag-usapan si Ian

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lotlot, ayaw nang pag-usapan si Ian
Lotlot de Leon
STAR/ File

Ang lakas ng tawa ni Lotlot de Leon nang tinanong namin kung meron ba siyang inayos sa Iriga nung pumunta siya roon nung nakaraang linggo. Nag-Quezon at Bicol si Lotlot nung nakaraang Undas, kaya hindi siya nakapunta sa Libingan ng mga Bayani nung All Souls’ Day.

Hindi lang niya sinabi kung ano ang ginawa niya, pero nung pumunta raw siya ng Bicol pagkagaling niya sa Quezon, naisipan daw niyang dumaan sa Iriga. “I schedule my trip talaga to go there. And then, dumaan lang ako dun sa Iriga. Para ano… gusto ko lang tingnan ‘yung lugar kung saan dati si Mommy, ganun. Kung saan niya kami dinadala nung bata kami,” pakli ni Lotlot nang makatsikahan namin kahapon sa media conference ng pelikulang 40 Days ng LVD Management Corp. Production.

Sabi ko sa kanya, na baka meron siyang inayos doon, dahil alam naman ng lahat na may mga naiwang properties doon ang Mommy nilang si Nora Aunor. “Well, anong aayusin ko dun hahaha!” natatawang bulalas ng aktres.

“Wala, Dumaan lang ako. Wala naman akong ayusin doon hahaha! ‘Di ba?” sabi pa ni Lotlot.

Hindi na namin nasundan ng tanong tungkol sa matagal na nilang isyu ng mga kapatid niya, lalo na kay Ian de Leon. Kabilin-bilinan sa presscon na wala nang tanong tungkol sa isyu nilang magkakapatid na naging dahilan ng pag-iiyak ni Lotlot sa story conference ng naturang pelikula.

Ngayon ay natatawa na lang ang aktres, at ramdam naman naming ayaw na niya itong pag-usapan. Kahit si Ian naman ay iniiwasan na niya talagang pag-usapan. Kaya hindi niya sinasagot kapag ito na ang tinatanong.

Maraming naalala si Lotlot nang ginagawa niya itong 40 Days dahil sa pagpanaw ng kanyang Mommy Guy. “You know, grief comes in waves naman. So, I don’t think it’s every day. There are moments talaga that you’re still there, you’re grieving, you can’t believe na wala na. But at the same time, you just look back with a happy heart, grateful ka na naging parte ka ng buhay niya.”

Nagpapasalamat lang siya sa Noranians na talagang hindi pa rin nakakalimot sa kanyang Mommy.

Nung nakaraang Undas ay dinagsa nila ang puntod ng Superstar para manalangin doon at mag-alay ng bulaklak at magsindi ng kandila.

Family drama ang 40 Days na kung saan may misteryo ang pagkamatay ng ina na ang mga anak ang nakakaalam.

Medyo malalim ang tema. Kaya tinanong namin kay Lotlot kung nababagay ba ito para sa nalalapit na Pasko? Sa Dec. 9 na kasi ang showing nito sa mga sinehan. “Maybe siguro, we should look at it as a reminder that you know, life is short and then that we should cherish the people who are still with us, who are important to us. So, siguro just look at it at that end… Opo,” saad ni Lotlot de Leon.

Atasha, game mag-beauty pageant

Bukod sa Eat Bulaga, may pinaplano ang Viva Films para kay Atasha Muhlach pagkatapos ng successful na musical play niyang Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical. Hindi lang daw niya puwedeng sabihin, at ayaw niyang pangunahan ang Viva.

Nung makatsikahan namin siya sa nakaraang Thanksgiving celebration ng TV5, ang next project niya ang kinulit namin sa kanya.

Pero kung may gagawin siyang pelikula, ang type pala ni Atasha ay ang Dyesebel na ginawa ng Mommy niyang si Charlene Gonzalez. “‘Yan ang dream ko. ‘Yan ang dream role ko,” bulalas ni Atasha.

“Dream ko talaga… maging leading lady ‘yan po… ang role na nakikita ko sa mom ko po. And growing up, akala ko talaga ‘yung nanay ko po sirena. So, para sa akin, sobrang big dream din ‘yun,” sabi pa ng dalaga nina Aga at Charlene.

Natutuwa pa si Atasha sa mga sinasabi ng karamihan na parang kamukha raw niya talaga ang Mommy niya nung nagpe-perform ito bilang si Annie Batungbakal. Kaya sinundan siya ng tanong kung okay rin ba sa kanya na sumali sa beauty pageant. “I wouldn’t mind,” pakli niya.

“My doors are not closed. You never know. You never know what the future. So, abangan na lang po. Yes,” napangiti niyang pahayag.

Hindi na rin pinapansin ni Atasha ang mga negatibong komento sa performance niya sa Bongga Ka ‘Day.

Pero marami ang pumuri sa kanya at napatunayan naman niyang may karapatan siya bilang si Annie Batungbakal sa naturang musical play.

Ayaw na raw niyang isipin ang mga ganu’ng negatibong isyu. Saka nakita naman daw niya ang ilang interviews ng magulang niya na ipinagtatanggol siya. “Yes po. Nakita ko po ‘yun. Pero ang advice nila lang is just hold on to the good and you know your truth naman. So to just always be kind to everyone around you,” sabi pa ni Atasha.

Ang maganda lang ay nakabuo raw siya ng bagong pamilya at kakaiba ang closeness daw nila sa mga kasamahan niya sa Bongga Ka ‘Day.

“Sobrang grateful din po ako kasi ‘yung BKD family have given me nothing but encouragement, support and great, great memories po that I will forever cherish moving on. Dahil po sa kanila actually, I was able to really enjoy the process of theater and for that I’m eternally grateful po,” sabi pa ni Atasha.

LOTLOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with