^

Bansa

Bago Pasko o New Year target sa VP trial - Chiz

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bago Pasko o New Year target sa VP trial - Chiz
Sen. Francis “Chiz” Escudero
Senate PRIB; The STAR screenshot

MANILA, Philippines — Umaasa si Senate Impeachment Court Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero na matatapos ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte bago mag-Pasko o Bagong Taon.

“Sa akin mismo, kung ako ang tatanungin mo, siyempre in a perfect world sana matapos ang impeachment, sinuman ang matalo o manalo, bago mag-Pasko o bago mag-New Year,” ani Escudero nitong Martes.

Ayon sa kanya, mas mabuting makapagsimula ang bansa ng bagong yugto pagpasok ng bagong taon kaysa dalhin pa ang kaso hanggang 2027.

“Para may bago tayong yugto na namang hahara­pin sa bagong taon, hindi ‘yung babalikan natin ito sa darating na bagong taong 2027,” dagdag niya.

Gayunman, nilinaw ni Escudero na wala pang tiyak na timetable para sa pagtatapos ng paglilitis dahil nakadepende ito sa mga ebidensiyang ihaharap ng depensa at sa takbo ng mga pagdinig.

Ang inilabas aniyang iskedyul noong Oktubre ay sumasaklaw lamang sa mga pagdinig hanggang Nobyembre.

Umaasa rin siyang bibilis ang presentasyon ng ebidensiya sa mga susunod na araw.

“Hindi naman pwedeng masabi eksakto kung kelan (matatapos). Depende yan sa ebidensyang ipiprisinta ng respondent, depende rin sa pagdinig, kahapon nakaisa lang kami pero inaasahan ko parang diesel yan pag may bago sa simula mabagal usually at unti-unting bibilis tulad ng nakita natin sa pagdinig natin nung nagpepresenta ng ebidensya ang prosekusyon,” dagdag ni Escudero.

FRANCIS “CHIZ” ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with