Marian, binago ni Dingdong!

Aminado naman si Marian Rivera na noong bata-bata siya ay mapusok siya at marami siyang ginagawa na hindi muna niya pinag-iisipang mabuti.
Pero simula raw nang magkaroon siya ng anak ay nagbago na siya. “‘Pag kinukuwento ko sa mga anak ko ‘pag nakikita ko, ‘alam mo si Mama, ganyan ako dati, naku ‘wag, isip ka muna bago talak,’” pag-amin ng aktres sa vlog na Ang Walang Kwentang Channel nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac.
“‘Yung tira nang tira na hindi mo man lang iniisip ‘yung consequence kasi wala, eh. Mapusok ka, kabataan mo no’n, eh,” dagdag niya.
Ang asawa raw niyang si Dingdong Dantes ang isa rin sa dahilan kung bakit unti-unti siyang nagbago.
Ang aktor daw ang mentor niya simula pa noon na lagi siyang sinasabihan na i-analyze muna lahat at huwag parating pairalin ang emosyon. “Siya ‘yung mentor ko palagi sa ganyan pero hindi ko siya sinusunod,” sey ni Marian.
“‘Pag sinabihan niya ako na gano’n, tapos in the end, ako ‘yung iiyak-iyak, tapos nandiyan siya to comfort me.
“So hanggang sa natuto ako dahil ang dami niyang nature sa akin. Na alam mo ‘yun, para mas maging maayos kang tao, kung ano ‘yung kailangan mong i-control para sa sarili mo. So, siya lahat nagturo sa akin no’n,” tsika ni Yan.
Si Dingdong din daw ang nagpakita sa kanya na maraming nagmamahal sa kanya sa panahong inaaway siya at sinisiraan ng ibang tao.
Bea, ngayon lang magpapasko sa ‘Pinas!
Super excited na si Bea Alonzo sa first Christmas nila ngayong taon ni Puregold President na si Vincent Co as a married couple. Sey niya sa kanyang panayam sa PeopleAsia, ever since raw talaga ay gustung-gusto niya ang Pasko. “I’m really excited about Christmas, it’s my favorite holiday. Also, I’m excited to decorate for Christmas since we just recently moved in to our new home since getting married,” aniya.
Noong dalaga pa raw siya ay taun-taong umaalis siya ng bansa after Noche Buena para magbakasyon. Ito raw kasi ang reward niya sa sarili after a year of hard work.
Pero ngayong may asawa na siya ay hindi na raw niya magagawa ito. “I can’t leave the country anymore since my husband is very busy during Christmas season. He has a business to run, so I need to stay here with him. So, for the first time after many years, I’ll be staying in Manila for Christmas.
“But it’s something to look forward to also. You know, I might prepare something for him, something special. So, we’ll see how it goes,” pagbabahagi ng aktres.
Sa nasabing panayam ay nagkwento rin si Bea kung gaano kasaya ang buhay niya ngayon sa piling ng asawa. “Everything makes me giddy these days. I mean, about him, ha? Because you know, it’s very new and exciting. You know, I think, kahit mundane things lang makes me so excited because like I said, it’s new,” aniya.
“Like for example, like having coffee with him every morning before he goes to work makes me happy and giddy. Like I really, truly look forward to it,” dagdag niya.
Inamin din ng aktres na excited na rin sila ni Vincent to have kids and start their own family.
Nang matanong kung ilan ang gusto nilang maging anak, sey niya, “as many as we could” sabay-tawa.
“Hindi ko alam. We’re taking baby steps for now. One day at a time,” dagdag niya.
Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang Christmas wish para sa kanyang new family at sa kanilang dalawa ni Vincent. “Good health for sure, happiness, a lot of blessings for all of them.
“And for me and Vincent naman, I wish that we could you know, build a life that we’ve always dreamed of together and grow together as a couple.
“I mean, I feel like after a year that we’ve had, we have grown so much as a couple and you know, I really cannot wait for the next chapters to unfold for us,” saad ni Bea.
- Latest


















