15-anyos estudyante utas sa kidlat sa hiking
MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masayang hiking ng magkaibigang estudyante, nang biglang masapol ng kidlat ang isa sa kanila sa Mt. Sayao, Brgy. Consuelo, Naval, Biliran nitong Biyernes.
Kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Jimmy, 15-anyos, na idineklarang dead-on-arrival sa Municipal Health Office.
Sa ulat nangyari ang insidente ay nangyari dakong ala-1 ng hapon kung saan dahilan maagang natapos ang klase ay nag-hiking sa Mt. Sayao ang naturang estudyante kasama ang kaibigan nito. Gayunman, habang nagha-hiking ang magkaibigan ay biglang kumulog at kumidlat ng malakas.
Ang kidlat ay sumapol sa katawan ng nasabing estudyante at agad nagkikisay.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang binatiyo pero matapos ang ilang oras na gamutan ay binawian na ito ng buhay.
- Latest
















