Ruffa, kinumpara sa mga bagets na beauty queen!

Nilalampaso ngayon ni Ruffa Gutierrez ang ibang mga beauty queen na mas bata pa sa kanya.
‘Wag na nating bangitin ang pangalan pero sa awra ni Ruffa, wala nga namang panama ang iba. Wala pang kadramahan ang buhay.
Maraming sinasabing pangalan ang ibang netizens, pero ‘wag na nating banggitin kung sino ‘yung tinataob niya.
Mala-Stella Marquez-Araneta ang role ni Ruffa sa pelikulang Red Crown.
Sa kanyang post sinabi niyang: “Meet Charito—the queen maker.
“A pillar of Philippine pageantry, she knows what it takes to wear the crown. I can’t wait for you to meet her in RED CROWN…
“Only in cinemas this October!”
Si Stella Marquez-Araneta ang kauna-unahang nagwagi ng titulong Miss International at kabilang sa nagtatag ng Binibining Pilipinas.
Well, bago pa man gumawa ng pangalan sa international arena sina Manny Pacquiao, Hidilyn Diaz, Carlos Yulo at Alex Eala, sa mga international beauty pageant unang nagpamalas ng galing ang mga Pilipino.
Kasama diyan si Ruffa na second princess sa Miss World 1993.
- Latest

















