^

Police Metro

‘Puzzle’ sa yaman ni VP Sara, nabubuo na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabubuo na umano ng prosecution panel ang “puzzle” sa paglobo ng kayamanan ni Vice President Sara Duterte at kung suportado ito ng lehitimong sources sa pinansiyal nitong pinagkakakitaan.

“Ito nga iyong parang puzzle na binubuo natin unti-unti para makita po natin talaga kung gaano po kalaki ang yaman ng ating Bise Presidente,”ayon kay House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa post trial briefing nitong Lunes sa ika-30 araw ng paglilitis.

Anya, ito’y ibabangga sa kanyang mga dineklara sa SALN at kung paano lumago, from 2007 up to 2025”.

Sa pagtaya, sinabi ni Chua na nasa 50% na ang pagpiprisinta sa “unexplained wealth” ni VP Sara sa ilalim ng Articles of Impeachment.

Base sa idineklara ni VP Duterte sa kaniyang Statements of Assets, Liabilities at Net Worth (SALN) na iniladlad sa impeachment court ay nagdeklara ito ng P7.25 milyon noong 2027 na lumobo sa P98.66 milyon noong 2025.

Ayon pa kay Chua, nais ng prosecution panel na madetermina kung ang P98.66 milyon ay kumakatawan sa kabuuang kayamanan ni VP Sara at kung maaring lumagpas pa ito sa nasabing deklarasyon.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with