Liza, napapansin na sa Hollywood!

May pa-survey sa X kung sino ang gusto ng fans na gumanap na Romeo and Juliet sa bagong film adaptation ng Romeo and Juliet. May nagbanggit at sumagot ng Liza Soberano as Juliet at ang aktor na si Drew Starkey as Romeo.
Sabi ng sumagot, “Drew Starkey and Liza Soberano PICK UP YOUR PHONES!!! The visuals??? They would be a PERFECT Romeo and Juliet casting. I need Hollywood to see the vision.”
May sumagot pa ng “She looks much more like Olivia Hussey than India Eisley, her own daughter.”
Pinagtabi pa nito ang photos nina Olivia at Liza at tama nga ang comment na magkamukha ang dalawa.
O, ‘di ba? Pumapasok na sa kamalayan ng fans si Liza at sila na ang nagsa-suggest kung aling Hollywood project ang babagay kay Liza.
Heto na nga, may nakakapansin na mas marami na ang positive comments kay Liza kesa negative comments.
Sana nga, matanggap na ng fans na hindi nagtapos ang career ni Liza when she left the local showbiz scene.
Saka, willing at open pa naman siya to do projects here.
Fans ni Coco, nag-react sa pa-shade ni Dennis?!
Tila hindi nagustuhan ng fans ni Coco Martin ang comment ni Dennis Trillo sa post nito ng behind-the-scenes ng ginagawang action series ng GMA na Hari ng Tondo. Sabi lang naman ni Dennis, “Hindi pa USO ang AI sa Tundo!!!”
Ang feeling ng fans ni Coco at viewers ng Sigabo, sine-shade ni Dennis ang series ni Coco dahil nagkaroon ng isyu tungkol sa paggamit ng AI o artificial intelligence sa ilang eksena.
Hayun, inaway na nila si Dennis.
Galit daw si Dennis dahil natatalo sa rating ang series nito sa series ni Coco. Inakusahan pa si Dennis at ang GMA na gaya-gaya dahil kung saan daw nagti-taping si Coco, doon din nagti-taping ang GMA.
May nagtanggol kay Dennis, wala naman daw itong binanggit na show na gumamit ng AI, bakit marami ang affected?
Dagdag pa ng Kapuso fan, ang daming pinaiyak ni Dennis sa kanyang simpleng comment.
Hindi pa sinasagot ni Dennis ang mga comment na pinagkukumpara sila ni Coco at inakusahan siya at ang GMA na gaya-gaya. May sinagot ito na nag-comment ng “T*ena ndi naman natakbo ung motor.” Sagot ni Dennis, “May problema ka ba sa hindi tumatakbong motor pogi?”
Nagpasalamat ang nag-comment na napansin siya ni Dennis at kalaunan, kinongratulate nito si Dennis.
- Latest





















