^

PM Sports

Gilas, Bahrain simula na ng giyera

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Gilas Pilipinas ang pagdepensa sa titulo sa pagharap sa Bahrain ngayong araw sa pagsisimula ng 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.

Magkukrus ang landas ng Gilas at Bahrain sa ala-una ng hapon (alas-12 ng tanghali sa Maynila) sa Aichi International Arena.

Hindi magiging madali ang lahat para sa Pinoy cagers dahil makakasagupa nito sa kanilang unang asignatura ang Bahrain na nagpalakas ng lineup sa edisyong ito.

Maluwag ang Asian Games organizers kum­para sa mga FIBA tourna­ments. Kailangan lamang ng passport upang makapaglaro bilang naturalized player ng bansa.

Kaya naman sinamantala ito ng Bahrain dahil magpaparada ito ng apat na naturalized players.

Nangunguna na sa listahan si dating NBA player JaKarr Sampson na nag­laro para sa Philadelphia 76ers, Chicago Bulls, Denver Nuggets, Sacramento Kings at Indiana Pacers.

Kasama nito sina Uros Ilic, Elijah Thomas at Austin Ajukwa.

Dahil dito, kailangang kumayod ng husto ng Gilas Pilipinas na maglalaro nang wala si naturalized player Justin Brownlee na nagpapagaling pa sa injury.

Pinalitan si Brownlee ni Gilas Pilipinas mainstay Calvin Oftana na duma­ting sa Nagoya noong Miyerkules para makasama ang tropa.

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with