Vice, may pa-bwena mano kay Alden

Hindi nagtagumpay ang pang-iintriga sa nagbabalik na pinakamagandang bisyo ng mga manonood tuwing Linggo ng gabi dahil simula Setyembre 13 (Linggo), masasaksihan muli ang pagpapatawa at hatid na good vibes ng Phenomenal Unkabogable Superstar na si Vice Ganda sa “Gandang Gabi Vice” sa GMA at iWant.
Sa kauna-unahang pagkakataon, sasalang sa GGV ang Kapuso actor at Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagbabalik ng programa. May bago ring makakasama si Vice sa kulitan tuwing Linggo: ang Geng Gang nina Vince Maristela, Divine Tetay, at Verna.
Excited din si Vice na magbubukas ang tahanan ng GGV nhindi lamang para sa Kapamilya celebrities, kundi pati na rin sa Kapuso stars.
Aniya, “Ang pinaka nakaka-excite ay ‘yong Kapuso stars na gusto kong interviewhin at makasama sa show ko ay posibleng-posible na. Marami rin akong nakausap na GMA stars na gusto rin nilang magkaroon ng ‘GGV’ experience. Mangyayari na talaga.”
Mapapanood ang bagong episodes ng Gandang Gabi Vice tuwing Linggo, 10 PM sa GMA at mapapanood nang libre ang TV episode sa iWant (para lamang sa mga Philippine user).
Samantala, inaabangan din ng mga manonood ang mas mahaba, mas makulit, at uncut version ng GGV na mapapanood lamang sa Gandang Gabi Vice: Unfiltered, simula Setyembre 13 (Linggo) sa iWant.
Tampok sa Unfiltered ang higit isang oras na mga dagdag eksena at kuwentuhang hindi naisama sa telebisyon. Kabilang na rito ang mas mahahabang biruan, tawanan, at iba pang moments mula sa taping.
Tuwang-tuwa na ibinahagi ng Phenomenal Unkabogable Superstar na si Vice Ganda na bukod sa studio audience, mapapanood na ng nakararami ang uncut version ng “GGV” pagkatapos i-ere ang free TV episode nito.
“Siyempre, hindi lahat pwede namin ipakita sa free TV. ‘Yung mga hindi namin pwede ipakita sa free TV, mapapanood nila sa iWant dahil iyon talaga ang unfiltered at uncut version. Kung ano ang tinape namin at mga pinag-usapan, lahat nasa iWant kaya super exciting,” saad ni Vice.
At sa first episode nito, mapapanood nang buo ang unfiltered guesting ni Alden at ang kanyang pakikipagkulitan kasama si Vice at ang Geng Gang.
Abangan ang uncut tawanan at good vibes sa Gandang Gabi Vice: Unfiltered tuwing Linggo, simula Setyembre 13 sa iWant. Mapapanood ito sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.
Habang napapanood ito sa free TV sa GMA.
- Latest



















