^

Metro

2 sports car nagkarera sa skyway

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 sports car nagkarera sa skyway
Batay sa viral video na inilabas sa Facebook page na “Auto Vision,” makikitang kapwa nagpapalit ng linya ang dalawang sasakyan habang tumatawid sa solid white line.
Ernie Penaredondo, file

Lisensiya ng 2 driver suspendido

MANILA, Philippines — Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa dalawang driver at rehistradong may-ari ng dalawang sports car matapos kumalat ang video ng umano’y delikadong pagmamaneho ng mga ito sa skyway.

Batay sa viral video na inilabas sa Facebook page na “Auto Vision,” makikitang kapwa nagpapalit ng linya ang dalawang sasakyan habang tumatawid sa solid white line. Hindi rin umano gumamit ng wastong signal light ang mga driver bago lumipat ng linya, na maaaring magdulot ng panganib sa ibang motorista.

Dahil dito, inatasan ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang mga sangkot na driver na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Setyembre 7, 2026. Kailangan din nilang magsumite ng sinumpaang salaysay at mga dokumentong magpapaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga paglabag na nakasaad sa SCO, kabilang ang reckless driving at kabiguang magbigay ng wastong signal habang nagpapalit ng linya.

Inatasan din ang mga driver na ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat ideklarang “improper person to operate a motor vehicle,” na maaaring humantong sa pagsususpinde o pagbawi ng kanilang mga lisensya.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isinuko na nila ang kanilang mga lisensya at isinailalim sa 90-araw na preventive suspension, habang inilagay naman sa alarm status ang dalawang sasakyang sangkot.

Binigyang-diin ni Lacanilao na walang es­pesyal na pagtrato sa mga motorista dahil lamang sa uri o halaga ng kanilang sasakyan. Aniya, pare-parehong saklaw ng batas-trapiko ang lahat at patuloy na ipatutupad ng LTO ang mga kaukulang parusa laban sa sinumang mapatutunayang lumabag.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with