^

Metro

P60 dagdag-sahod sa NCR, epektibo na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P60 dagdag-sahod sa NCR, epektibo na
File photo of workers.
The STAR / Michael Varcas, File photo

MANILA, Philippines — Tatanggap ng P60 dagdag sa arawang sahod ang mga minimum wage earner sa Metro Manila simula kahapon  Sabado, Setyembre 26, sa ilalim ng bagong wage order na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa DOLE, lahat ng employer sa National Capital Region ay kaila­ngang sumunod sa Wage Order No. NCR-28 na nagkabisa kahapon Sabado.

Sa ilalim ng kautusan, tataas ang arawang minimum wage ng mga manggagawa sa non-agricultural sector mula P695 patungong P755.

Para naman sa agricultural workers, tataas ito mula P658 patungong P718 kada araw.

Saklaw rin ng P60 na dagdag ang mga mang­gagawa sa service at retail establishments na may 15 pababa ang empleyado, at manufacturing establishments na may mas mababa sa 10 regular na manggagawa.

Inilabas ang Wage Order No. NCR-28 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board - NCR matapos ang konsultasyon sa pagitan ng labor, employers, at gob­yerno habang nakabinbin pa sa korte ang naunang wage order na P85.

Ang Wage Order No. NCR-27 ay nagtatakda ng P85 na dagdag sa dalawang tranches - P60 na dapat epektibo noong Hulyo at P25 sa Enero 2027. Nahinto ang implementasyon nito matapos kwestyunin sa korte ng Readycon Training & Construction Corp. at R-II Builders Corp. Naglabas kalaunan ng injunction ang isang korte sa Pasig City na humaharang sa NCR-27.

Sa bisa ng NCR-28, ang minimum wage sa NCR ay P755 kada araw para sa non-agricultural workers at P718 para sa agricultural workers.

Tiniyak ng DOLE na babantayan nito ang pagsunod sa bagong sahod.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

WORKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with