Klosetang host / influencer, may appetizer na droga bago sumalang
MAY seremonyas palang ginagawa ang klosetang host at influencer bago siya sumalang sa isang event na natanguang event.
Isang source ang nagkuwento sa amin na may pampaganang ginagawa ang klosetang host para pagsalang sa trabaho eh, buhay na buhay siya!
Nagaganap daw seremonyas sa kanyang dressing room kaya naman pagsalang eh buhay na buhay ang hitad!
No, hindi lalaki ang pampagana ng klosetang host! Basta, appetizer ‘yun upang lumabas siyang masiglang-masigla!
Paraan daw ng host na ito ang paggamit ng pampasigla upang hindi maging laylay ang kanyang hosting!
Niyaya pa nga raw ng host ang source naming na clean living at walang gamit na appetizer upang maging bongga ang hosting!
Direk Darryl, may hanash sa kanyang horror film
UNANG horror film ng director na si Darryl Yap ang VHS na pinagbibidahan nina McCoy de Leon at Sachzna Laparan.
Kung tama kami, ang pelikulang Love Ngo ang huling movie na ginawa ni Yap na box-office hit, huh!
Matalinghaga ang post ni Direk Daryl sa kanyang Facebook tungkol sa horror movie niya.
Basta ang panghuli niya, “Filipino fear has a new face!” at “Ang horror na hindi pang-tanga!”
Iba si Daryl Yap kaya naman isa siya sa panoritong director ng Viva Films!
- Latest





















