Manila Cancer Center itatayo sa Maynila
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagtayo ng Manila Cancer Center sa lungsod na layong mabigyan ng sapat at agarang gamutan ang mga cancer patients.
Ang paniniyak ay ginawa ni Domagoso sa groundbreaking ceremony sa pagpapatayo ng Manila Sacramento Library and Multi-Purpose Building sa Zamora St., Paco, Manila.
Ayon kay Domagoso, ang MMC na kauna-unahang city-run caner facility sa bansa ay itatayo sa loob ng compound ng Ospital ng Maynila. Aniya, patuloy nilang isasakatuparan ang kanilang pangako sa mga Batang Maynila na ibibigay ang mga nararapat na serbisyo.
‘Marami pa tayong mga pagawaing gusali na pakikinabangan ng mga mamamayan.Pumanatag kayo, mga batang Maynila, masakit man sa likod, masakit man sa katawan, magpupursige kami na maibangon muli ang lungsod ng Maynila,” anang alkalde.
Ang nasabing proyekto ay alinsunod sa inisyatiba ni Manila 5th District Representative Irwin Tieng.
- Latest



















