Senado naghahanda na sa impeach trial
MANILA, Philippines — Tinalakay ng mga Senador sa isinagawang caucus nitong Huwebes ang mga paghahanda sa sandaling ipasa na ng House ang Articles of Impeachment laban kay Vice Presidente Sara Duterte.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, bukod sa agenda tinalakay din ng mga senador ang logistics ng isang impeachment court.
Sampung senador lamang ang dumalo sa caucus na pinangunahan ni Sotto at dinaluhan din nina Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, Majority Leader Miguel Zubiri, Sen. Risa Hontiveros, Loren Legarda, Lito Lapid, JV Ejercito, Raffy Tulfo, Robin Padilla, at Pia Cayetano.
Nilinaw ni Sotto na wala pa silang schedule tungkol sa pagsisimula ng trial na mangyayari lamang sa sandaling ipasa sa Senado ang Articles of Impeachment. Ngunit nilinaw din niya na habang hinihintay ang botohan ng Kamara, “lahat ay haka-haka lamang.”
- Latest




















